CONSULTANCY AGREEMENT SIGNING CEREMONY

Consultancy Agreement Signing Ceremony sa pagitan ni Mayor TGB at ni Principal Architect - Urban Planner Felino A. Palafox Jr. ng PALAFOX Associates, President ng PALAFOX Architecture Group, Inc., kasama sina Engr. Albert Tanching at Urban Planning Assistant Aileen May Ilagan—isang makasaysayang hakbang tungo sa mas maayos, planado, at pangmatagalang pag-unlad ng Bayombong. Sa kauna-unahang pagkakataon sa Bayombong, at maging sa buong probinsya, isasakatuparan ang ganitong antas ng urban planning at development initiative. Isang malinaw na patunay na ang pamumuno ay hindi lamang nakatuon sa kasalukuyan, kundi nakatanaw sa hinaharap na mas matatag, organisado, at progresibo. Dinaluhan ang nasabing pagtitipon ng mga SB Members, kinatawan mula sa sektor ng edukasyon, negosyo, mga kapitan ng barangay, mga Heads of Offices at iba pang mga bisita na nagkakaisang sumusuporta sa isang malinaw na bisyon na may direksyon at konkretong plano. Bahagi ito ng mas malawak na inisyatiba ni Mayor TGB, isang lider na hindi lamang tumutugon sa hamon ng ngayon, kundi maingat na humuhubog ng blueprint para sa bukas. Dahil ang tunay na visionary, hindi naghihintay ng kinabukasan, siya ang lumilikha nito.

ANNOUNCEMENTPROJECTS

LGU-BAYOMBONG

5/1/20261 min read